Ang Anghelus



V. Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria.
R. At siya'y naglihi lalang ng Espiritu Santo.

Aba Ginoong Maria…

V. Narito ang alipin ng Panginoon.
R. Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.

Aba Ginoong Maria…

V. At ang Salita ay nagkatawang-tao.
R. At nakipamayan sa atin.

Aba Ginoong Maria…

V. Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.
R. Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.


Manalangin Tayo:
Panginoon naming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo, pakundangan sa Kanyang hirap at pagkamatay sa krus ay papakinabangin Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.

Amen.


Luwalhati...