aluluwa ni Kristo

Kaluluwa ni Kristo, pabanalin mo ako.
Katawan ni Kristo, iligtas mo ako.
Dugo ni Kristo, hugasan mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, linisin mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin mo ako.
O mabuting Hesus, pakinggan mo ako.
Sa loob ng Iyong mga sugat, itago mo ako.
Huwag Mong hayaang mawalay ako sa Iyo.
Sa masamang kaaway, ipagtanggol mo ako.
Sa oras ng aking kamatayan, tawagin mo ako,
at papuntahin mo ako sa Iyo,
upang kasama ng Iyong mga Banal,
ay magpuri ako sa Iyo magpakailanman.
Amen.