Espirituwal na Pakikinabang



O Hesus ko, naniniwala akong Ikaw ay nasa Banal na Sakramento.

Iniibig Kita nang higit sa lahat, at ninanais kong tanggapin Ka sa aking kaluluwa.

Yayamang hindi Kita matatanggap ngayon sa Banal na Komunyon, pumasok Ka man lamang sa aking puso sa paraang espirituwal.

Niyayakap Kita na parang Ikaw ay naririto na, at iniuugnay ko ang aking sarili nang buo sa Iyo.

Huwag Mo kailanman hayaang mawalay ako sa Iyo.

Amen.