Inaamin Ko



Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos,
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
(dinadagukan ang dibdib)
sa isip, sa salita, sa gawa,
at sa aking pagkukulang.

Kaya isinasamo ko kay Santa Mariang laging Birhen,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Amen.