agtatalaga sa Puso ni Hesus

O Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, sa Iyo ko iniaalay at itatalaga ang aking sarili, ang aking buhay, mga gawa, pasakit, at pagdurusa, upang ang buo kong pagkatao ay maging para na lamang sa pag-ibig, pagpaparangal, at pagluwalhati sa Iyo.
Ito ang aking matatag na panata: ang maging ganap na Iyo at gawin ang lahat ng bagay para sa Iyong pag-ibig, habang buong puso kong tinatalikuran ang lahat ng hindi kalugud-lugod sa Iyo.
Pinipili Kita, O Kamahal-mahalang Puso, bilang tanging layunin ng aking pag-ibig, tagapagtanggol ng aking buhay, katibayan ng aking kaligtasan, lunas sa aking kahinaan, at tagapagwasto ng lahat ng kamalian sa aking buhay.
O Puso ng Kabutihan, Ikaw nawa ang aking kanlungan sa oras ng kamatayan, ang aking tagapamagitan sa harap ng Diyos Ama, at ilayo Mo ako sa Kanyang makatarungang galit.
O Puso ng Pag-ibig, sa Iyo ako naglalagak ng aking buong pagtitiwala, sapagkat sa aking kasamaan at kahinaan ay marami akong kinatatakutan, ngunit sa Iyong awa at kabutihan ay lahat aking inaasahan.
Amen.