Pagtatalaga sa Santatlo



O Kabanal-banalang Santatlo, Diyos na iisa sa tatlong Persona, buong kababaang-loob kong sinasamba ang Iyong banal na Kamahalan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng biyayang Iyong ipinagkaloob sa akin.

O Amang Walang Hanggan, iniaalay ko sa Iyo ang aking sarili, at hinihiling kong ampunin Mo ako bilang Iyong anak. Lumalapit ako sa Iyong awa, at inilalagak ko sa Iyo ang lahat ng aking mga pag-asa.

O Hesukristo, Walang Hanggang Karunungan, iniaalay ko sa Iyo ang aking sarili, at hinihiling kong liwanagan Mo ako ng Iyong aral. Inilalagak ko sa Iyo ang lahat ng aking mga salita at gawa.

O Espiritu Santo, Walang Hanggang Pag-ibig, iniaalay ko sa Iyo ang aking sarili, at hinihiling kong pag-alabin Mo ang aking puso sa Iyong banal na apoy, upang ako'y lubos na maging Iyo.

Itinalaga ko ang aking buong pagkatao sa Iyo, O Kabanal-banalang Santatlo. Nais kong maging Iyo sa panahon at sa walang hanggan. Huwag Mo akong pabayaan, O Diyos ko, at ipagkaloob Mo sa akin ang biyaya na mamatay sa Iyong pag-ibig.

Amen.