umasampalataya Ako
(Kredo ng mga Apostol)

Sumasampalataya ako sa Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen;
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing;
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao,
nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli;
Umakyat sa langit,
naluluklok sa kanan ng Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat;
at doon magmumulang paririto at huhukom
sa mga nabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo;
sa Banal na Simbahang Katolika;
sa kasamahan ng mga banal;
sa kapatawaran ng mga kasalanan;
sa pagkabuhay na muli ng mga nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.