Kredo ng Niceno-Constantinopolitano

Sumasampalataya ako sa iisang Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa,
at ng lahat na nakikita at di nakikita.
Sumasampalataya ako sa iisang Panginoon, si Hesukristo,
Bugtong na Anak ng Diyos,
sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon.
Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo.
Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos:
at sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat.
Dahil sa ating mga tao at sa ating kaligtasan,
Siya ay nanaog mula sa kalangitan.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen
at naging tao.
Ipinako sa krus dahil sa atin noong kapanahunan ni Poncio Pilato,
nagpakasakit at inilibing.
Nabuhay na mag-uli sa ikatlong araw, ayon sa Banal na Kasulatan.
Umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Ama.
At muli Siyang paririto na may kaluwalhatian
upang hukuman ang mga nabubuhay at nangamatay na tao,
at ang Kanyang paghahari ay walang hanggan.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay,
na nanggagaling sa Ama at sa Anak.
Sinasamba Siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak.
Nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at Apostolika.
Nagpapahayag ako ng iisang binyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay
at ang buhay na darating.
Amen.