itanya ng mga Banal

Panginoon,
maawa Ka sa amin.
Kristo,
maawa Ka sa amin.
Panginoon,
maawa Ka sa amin.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
ipanalangin mo kami.
San Miguel,
ipanalangin mo kami.
Mga Banal na Anghel ng Diyos,
ipanalangin ninyo kami.
San Juan Bautista,
ipanalangin mo kami.
San Jose,
ipanalangin mo kami.
San Pedro at San Pablo,
ipanalangin ninyo kami.
San Andres,
ipanalangin mo kami.
San Juan,
ipanalangin mo kami.
Santa Maria Magdalena,
ipanalangin mo kami.
San Esteban,
ipanalangin mo kami.
San Ignacio ng Antioquia,
ipanalangin mo kami.
San Lorenzo,
ipanalangin mo kami.
Santa Perpetua at Santa Felisidad,
ipanalangin ninyo kami.
Santa Ines,
ipanalangin mo kami.
San Gregorio,
ipanalangin mo kami.
San Agustin,
ipanalangin mo kami.
San Atanasio,
ipanalangin mo kami.
San Basilio,
ipanalangin mo kami.
San Martin,
ipanalangin mo kami.
San Benito,
ipanalangin mo kami.
San Francisco at San Domingo,
ipanalangin ninyo kami.
San Francisco Javier,
ipanalangin mo kami.
San Juan Maria Vianney,
ipanalangin mo kami.
Santa Katarina ng Siena,
ipanalangin mo kami.
Santa Teresita ng Batang si Hesus,
ipanalangin mo kami.
Lahat kayong mga Banal ng Diyos,
ipanalangin ninyo kami.
Maging maawain Ka sa amin,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa lahat ng kasamaan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa lahat ng kasalanan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa Iyong galit,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa biglaang at di-inaasahang kamatayan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa mga silo ng demonyo,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa galit, poot, at lahat ng masamang hangarin,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa walang hanggang kamatayan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng Iyong pagkakatawang-tao,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng Iyong pagsilang,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng Iyong binyag at banal na pag-aayuno,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng Iyong krus at pagpapakasakit,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng Iyong pagkamatay at paglilibing,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng Iyong muling pagkabuhay,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng Iyong pag-akyat sa langit,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa pamamagitan ng pagdating ng Espiritu Santo,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Sa araw ng paghuhukom,
iligtas Mo kami, O Panginoon.
Kaming mga makasalanan,
idinadalangin namin sa Iyo, dinggin Mo kami.
Upang pamahalaan at pangalagaan Mo ang Iyong banal na Simbahan,
idinadalangin namin sa Iyo, dinggin Mo kami.
Upang ingatan Mo ang Santo Papa at ang lahat ng antas ng Simbahan sa banal na paglilingkod,
idinadalangin namin sa Iyo, dinggin Mo kami.
Upang ipagkaloob Mo ang kapayapaan at pagkakaisa sa lahat ng mga bayan,
idinadalangin namin sa Iyo, dinggin Mo kami.
Upang aliwin at patatagin Mo kami sa Iyong banal na paglilingkod,
idinadalangin namin sa Iyo, dinggin Mo kami.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
patawarin Mo kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
pakapakinggan Mo kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.
MANALANGIN TAYO
O Diyos, na aming kanlungan at kalakasan, dinggin Mo ang mga panalangin ng Iyong Simbahan, Ikaw na siyang pinagmumulan ng lahat ng kabanalan. Ipagkaloob Mo, sa Iyong awa, na aming makamtan ang lahat ng aming hinihiling nang may pananampalataya. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.