Litanya sa Espiritu Santo



Panginoon,
maawa Ka sa amin.

Kristo,
maawa Ka sa amin.

Panginoon,
maawa Ka sa amin.


Kristo,
pakinggan Mo kami.

Kristo,
pakapakinggan Mo kami.


Diyos Ama sa langit,
maawa Ka sa amin.

Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
maawa Ka sa amin.

Diyos Espiritu Santo,
maawa Ka sa amin.

Kabanal-banalang Santatlo, iisang Diyos,
maawa Ka sa amin.


Espiritu na nagmumula sa Ama at sa Anak,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng Panginoon, na pumupuno sa sanlibutan,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng pag-ampon sa mga anak ng Diyos,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng katotohanan, na nagtuturo sa amin ng lahat ng bagay,
maawa Ka sa amin.

Espiritu na nananahan sa amin,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng karunungan at pang-unawa,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng mabuting payo at kalakasan,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng kaalaman at kabanalan,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng pagkatakot sa Diyos,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng biyaya at panalangin,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng kapayapaan at kaamuan,
maawa Ka sa amin.

Espiritu ng kapakumbabaan at kalinisan,
maawa Ka sa amin.

Espiritung mang-aaliw,
maawa Ka sa amin.

Espiritung tagapagpabanal,
maawa Ka sa amin.

Espiritung namamahala sa Simbahan,
maawa Ka sa amin.

Kaloob ng Kataas-taasang Diyos,
maawa Ka sa amin.


Maging maawain Ka sa amin,
patawarin Mo kami, O Panginoon.

Maging maawain Ka sa amin,
pakapakinggan Mo kami, O Panginoon.


Sa lahat ng kasalanan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.

Sa lahat ng tukso at patibong ng demonyo,
iligtas Mo kami, O Panginoon.

Sa lahat ng pagpapalagay at kawalan ng pag-asa,
iligtas Mo kami, O Panginoon.

Sa paglaban sa katotohanan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.

Sa katigasan ng puso at hindi pagsisisi,
iligtas Mo kami, O Panginoon.

Sa lahat ng karumihan ng isip at katawan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.

Sa biglaang at hindi inaasahang kamatayan,
iligtas Mo kami, O Panginoon.

Sa huling paghuhukom,
iligtas Mo kami, O Panginoon.


Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ibuhos Mo sa amin ang Espiritu Santo.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
isugo Mo sa amin ang ipinangakong Espiritu ng Ama.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob Mo sa amin ang Espiritu ng karunungan.



V. Halina, O Espiritu Santo, punuin Mo ang mga puso ng Iyong mga mananampalataya
R. At pag-alabin Mo sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig.




Manalangin tayo
O Diyos, na sa pamamagitan ng liwanag ng Espiritu Santo ay tinuruan Mo ang mga puso ng Iyong mga mananampalataya, ipagkaloob Mo na sa pamamagitan din ng Espiritung ito ay maging tunay kaming matalino at laging magalak sa Kanyang pag-aliw. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.