Litanya sa Mahal na Birheng Maria



Panginoon,
maawa Ka sa amin.

Kristo,
maawa Ka sa amin.

Panginoon,
maawa Ka sa amin.


Kristo,
pakinggan Mo kami.

Kristo,
pakapakinggan Mo kami.


Diyos Ama sa langit,
maawa Ka sa amin.

Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,
maawa Ka sa amin.

Diyos Espiritu Santo,
maawa Ka sa amin.

Santisima Trinidad na iisang Diyos,
maawa Ka sa amin.


Santa Maria, Ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga birhen,
Ina ni Kristo,
Ina ng Simbahan,
Ina ng awa,
Ina ng grasya ng Diyos,
Ina ng pag-asa,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng Maylikha,
Ina ng Tagapagligtas,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng kagalang-galang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyarihan,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katarungan,
Luklukan ng karunungan,
Simula ng aming katuwaan,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlang bukod ng mahal na grasya,
Rosang bulaklak na 'di mapuspos ng bait ng tao ang halaga,
Tore ni David,
Toreng garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto ng langit,
Tala sa umaga,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga makasalanan,
Mapag-aliw sa mga migrante,
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati,
Tulong ng mga Kristiyano,
Reyna ng mga Anghel,
Reyna ng mga Patriyarka,
Reyna ng mga Propeta,
Reyna ng mga Apostol,
Reyna ng mga Martir,
Reyna ng mga Kumpesor,
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng lahat ng mga Santo,
Reynang ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Reynang iniakyat sa langit,
Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo,
Reyna ng pamilya,
Reyna ng kapayapaan,


Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Patawarin Mo kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Pakapakinggan Mo kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka sa amin.


Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos,
Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.



MANALANGIN TAYO
Panginoon naming Diyos,
hinihiling namin sa Iyo
na ipagkaloob sa amin, mga lingkod Mo,
ang magtamasa ng walang hanggang kalusugan ng kaluluwa at katawan;
at sa pamamagitan ng maluwalhating pamamagitan
ng laging pinagpalang Birheng Maria,
nawa'y maligtas kami mula sa kasalukuyang kalungkutan,
at tamasahin ang walang hanggang kagalakan sa langit.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen.