Panalangin sa Umaga



O Hesus, sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria, iniaalay ko sa Iyo ang aking mga panalangin, gawain, kagalakan, at pagdurusa sa araw na ito.

Bilang pakikiisa sa Banal na Sakripisyo ng Misa sa buong mundo.

Iniaalay ko ang mga ito para sa mga intensyon ng Iyong Banal na Puso: ang kaligtasan ng mga kaluluwa, ang pagbabayad-puri sa mga kasalanan, at ang muling pagkakaisa ng lahat ng mga Kristiyano.

At para sa mga intensyon ng ating Santo Papa.

Amen.