Panalangin para sa Kapayapaan



O Panginoon, ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong kapayapaan,
upang sa tulong ng Iyong awa,
kami ay mamuhay na malaya sa lahat ng ligalig
at ligtas sa lahat ng kasalanan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.

Amen.