analangin sa Harap ng Krus

O Kataas-taasan at maluwalhating Diyos,
liwanagan Mo ang kadiliman ng aking puso.
Ipagkaloob Mo sa akin ang tunay na pananampalataya,
matatag na pag-asa,
at ganap na pag-ibig.
Bigyan Mo ako ng pang-unawa at kaalaman, O Panginoon,
upang aking maisakatuparan
ang Iyong banal at tunay na kalooban.
Amen.