analangin para sa Kapayapaan

Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan.
Kung saan may pagkamuhi, hayaan Mong maghasik ako ng pag-ibig;
kung saan may pasakit, ng pagpapatawad;
kung saan may pag-aalinlangan, ng pananampalataya;
kung saan may kawalan ng pag-asa, ng pag-asa;
kung saan may kadiliman, ng liwanag;
at kung saan may kalungkutan, ng kagalakan.
O Banal na Guro, ipagkaloob Mo na hindi ako maghangad na aliwin, kundi ang mag-aliw;
na unawain, kundi ang umunawa;
na mahalin, kundi ang magmahal.
Sapagkat sa pagbibigay natatanggap natin;
sa pagpapatawad tayo'y pinatatawad;
at sa pagkamatay tayo'y isinisilang sa buhay na walang hanggan.
Amen.