analangin sa Gabi

Panginoon, maraming salamat po sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Mo sa araw na ito.
Patawarin Mo po ako sa lahat ng aking mga pagkakasala at pagkukulang. Pinagsisisihan ko po ang mga ito at nangangakong magbabago sa tulong ng Iyong biyaya.
Sa pagpapahinga ko ngayong gabi, ilayo Mo po ako sa lahat ng panganib at masama. Nawa'y bantayan Mo ang aking pagtulog, kasama ng aking mga mahal sa buhay.
Ipagkaloob Mo pong muli akong magising bukas upang patuloy na maglingkod sa Iyo at sa aking kapwa.
Amen.