eyna ng Langit
(Sa Panahon ng Pagkabuhay)

V. Reyna ng Langit, magalak ka, Aleluya!
R. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan, Aleluya!
V. Ay muling nabuhay na tulad ng Kanyang sinabi, Aleluya!
R. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya!
V. Magalak at matuwa ka, O Birheng Maria, Aleluya!
R. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon, Aleluya!
Manalangin tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng Iyong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo, ay minarapat Mong paligayahin ang mundo, ipagkaloob Mo, isinasamo namin sa Iyo, na sa pamamagitan ng Kanyang Ina, ang Birheng Maria, ay makamtan namin ang kagalakan ng buhay na walang hanggan. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.
Amen.
Luwalhati...