Aba Po, Santa Mariang Hari



Aba Po, Santa Mariang Hari,
Ina ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawag namin,
pinapanaw na taong anak ni Eba.
Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin
ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay! Aba, pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin
ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin
ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain, maalam, at matamis na Birhen.