Panalangin kay San Jose



Sa Iyo, O Pinagpalang San Jose, kami ay lumalapit sa aming mga kapighatian, at matapos humingi ng tulong sa iyong Kabanal-banalang Esposa, ay buong pagtitiwala kaming dumudulog din sa iyong pagkupkop.

Alang-alang sa buklod ng pag-ibig na nag-ugnay sa iyo sa Kalinis-linisang Birheng Ina ng Diyos, at alang-alang sa pag-ibig na ipinunla mo sa Batang si Hesus, isinasamo namin sa iyo na masdan nang may habag ang pamanang tinubos ni Hesukristo sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, at tulungan kami sa aming mga pangangailangan sa pamamagitan ng iyong makapangyarihang tulong.

O maingat na Tagapag-alaga ng Banal na Pamilya, ipagsanggalang mo ang mga hinirang na anak ni Hesukristo. O mapagmahal na Ama, ilayo mo sa amin ang lahat ng salot ng kamalian at kasamaan.

O aming makapangyarihang tagapagtanggol, tulungan mo kami mula sa langit sa aming pakikibaka laban sa kapangyarihan ng kadiliman. At kung paanong iniligtas mo noon ang Batang si Hesus mula sa tiyak na panganib ng kamatayan, gayundin naman, ipagtanggol mo ngayon ang Banal na Simbahan ng Diyos laban sa mga patibong ng kaaway at sa lahat ng kasamaan.

Isanggalang mo ang bawat isa sa amin sa iyong patuloy na pagkupkop, upang sa iyong halimbawa at sa tulong ng iyong biyaya, kami ay mamuhay nang banal, mamatay nang banal, at makamtan ang walang hanggang kaligayahan sa langit.


V. Ginawa siyang panginoon ng kanyang sambahayan.
R. At pinuno ng lahat niyang ari-arian.



Manalangin Tayo:
O Diyos, na sa Iyong di-mawaring awa ay minarapat Mong piliin si San Jose upang maging esposo ng Iyong Kabanal-banalang Ina, ipagkaloob Mo, isinasamo namin, na siya na aming pinararangalan bilang tagapagtanggol sa lupa ay maging karapat-dapat na aming tagapamagitan sa langit.

Amen.