San Miguel Arkanghel



San Miguel Arkanghel, ipagtanggol mo kami sa labanan, maging aming saklolo laban sa kasamaan at sa mga silo ng demonyo.

Sawayin nawa siya ng Diyos, na aming isinasamo, at ikaw, O Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, itapon mo sa impiyerno si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na gumagala sa sanlibutan para sa kapahamakan ng mga kaluluwa.

Amen.