alina, Espiritu Santo

Halina, Espiritu Santo,
at mula sa langit
isugo Mo ang Iyong liwanag.
Halina, ama ng mga dukha,
halina, tagapagbigay ng mga biyaya,
halina, liwanag ng mga puso.
Pinakadakilang mang-aaliw,
matamis na panauhin ng kaluluwa,
at aming matamis na pahinga.
Sa pagod, Ikaw ang kapahingahan,
sa init, ang ginhawa,
sa pagtangis, ang kaaliwan.
O kabanal-banalang liwanag!
Punuin Mo ang kaibuturan
ng mga puso ng Iyong mga mananampalataya.
Kung wala ang Iyong tulong,
walang anuman sa tao,
walang anumang mabuti.
Hugasan Mo ang marumi,
diligin ang tigang,
pagalingin ang may karamdaman.
Lupigin Mo ang matigas,
painitin ang nanlalamig,
ituwid ang naliligaw.
Ipagkaloob Mo sa Iyong mga mananampalataya,
na sa Iyo ay nagtitiwala,
ang Iyong pitong banal na kaloob.
Ibigay Mo sa kanila ang gantimpala ng kabutihan,
ibigay Mo ang daan ng kaligtasan,
ibigay Mo ang walang hanggang kaligayahan.
Amen.